06 January 2009

Makakasagasa talaga ako

Half-Idiot, Half-Maniac

'Di ba sabi ng ibang tao dyan (ewan sino), na 'pag ang pagpapatakbo mo ng kotse ay mas mabagal pa sa pagtakbo ng matandang pagong, isa kang "idiot". 'Pag sobra ka namang bilis na parang nakikipag-karera sa cheetah, isa kang "maniac". Manyak.

Langhiya.

Ewan ko na tuloy kung pa'no ko ipapasa 'tong driving test ko sa Sabado. Pangalawa ko na 'to. Bagsak kasi sa una dahil wala daw akong "blind spots", sabi nung examiner. Gusto nya 'atang bigyan ko siya ng blind spot gamit ang bolpen nya, eh.

Kung di ka nga naman na-pepressure. Alam ko na kung anong mangyayari pag bagsak na naman ako. Sasakalin ako ng Nanay ko. Tapos, dadalhin nya ako sa liblib na lugar, sasagasaan, tapos iiwan. Babalikan lang ako 'pag nakapag-carnap na ako at ginamit yung kotse para ipasa yung pangatlong test na ako na ang nag-schedule at nag-bayad.

Ang saya-saya ng buhay.

10 September 2008

Foodtrip ng mga Artista

Half-Gutom, Half-Artistahin

Dalawang linggo na rin akong hindi nakakain ng balut. Balot. (Ano nga ba ang spelling nun?) Dati kasi, pagkatapos ng Web Design class ko kada TTh, deretso na sa may kanto ng skwelahan. Sabay order ng isang dosenang kwek-kwek, tempura, balut Pinoy, at balut.

Eh ngayong wala na akong kasabay mag-foodtrip, uwi nalang agad. Putik. Gutom pa naman sana ako.

Miss ko na 'to:



Mmmmm...sarap. :P

Sa kabilang ano naman...kamay... ("on the other hand" sa Ingles--yan kasi, nag-Tatagalog, di naman bihasa) meron akong nadiskubre. Na naman.

Para magmukhang sosyal ang mga litrato, bigyan ng lomo effect, tapos lagyan nung dalawang itim na linya na parang nasa sa pelikula.

Gaya nito:


O, diba? Parang scene sa romantic comedy na movie. Parang.

09 September 2008

Fractal Art

Half-Graphics Designer, Half-Inggitera

Meron na naman akong bagong na-diskubre. Sa aking paglalakwatsa sa deviantArt, napansin ko yung mga tinatawag nilang "fractal art". Ang gara-gara ng mga disenyo. Lumuha tuloy ang mga mata ko.

Inisip ko nun kung paano ko kaya magagawa yung mga magagandang disenyong yun sa Photoshop, e medyo pipitsugin yung version ko. PS7 lang naman, dahil namatay na ng tuluyan yung PS CS2 ko.

Eh sa dahil inggitera ako, naglakwatsa talaga ako ng husto hanggang sa nalaman ko na meron pa palang ibang programang ginagamit ang mga lechugas na designers na yon. Apophysis.

Nag-download ako. Maliit lang naman. 2 Mb ata. Yung Apophysis v2.08b. Na-save ko pa nga sa flash drive ko na yung free space ay 52 mb nalang.

Sabi ko nga na inggitera ako, di ba? O yan, tingan n'yo ang nagawa ko sa loob ng 5 oras:



I-click nyo para ma-download. Pwedeng pang-wallpaper yan.

Kung nababato kayo, bumisita naman kayo sa deviantArt ko.

Oh hai!

Kahit na meron na akong blog sa Multiply, di ko pa rin napigilan ang sarili ko. Kaya't heto, ginambala ko na naman ang blogspot.

Pero 'wag kayong mag-alala. 'Di ko 'to i-aabandon. Kasi alam ko na kung paano ko 'to gagamitin. Kung yung Multiply ko para sa mga kababalaghang nangyayari sa buhay ko, itong blog na 'to naman ang susukahan ko ng mga masasaya at karumaldumal na ginagawa ko habang ako'y isang estudyante.

Sana masiyahan kayo.

'Tsaka dahil hindi ako talagang Tagalog (Bisaya ako, eh), paumanhin kung mag-Iingles ako. Para lang yun hindi dumugo ang ilong ka dahil naubusan ako ng Tagalog.